"Gusto kita"
( by: Anne Icaro)
"Gusto kita"
Mga katagang masarap pakinggan
Masarap paniwalaan
Masarap kapitan
"Gusto kita"
Dawalang salita na gumigising sa'yo sa umaga
Buong araw kang napapatawa
Hanggang gabi masaya ka
"Gusto kita"
Hindi ko malilimutan ang gabi na una mong sinabi saakin ang katagang "gusto kita". Dalawang salitang nagtulak saakin para tumahak ng isang landas na madilim at hindi pamilyar. Sa pag asa na ang iyong mga kamay ang magsisilbing mapa habang binabaybay ang kalsada papunta sa mas maliwanag na lugar.
Lumipas ang araw, linggo at buwan. Ang "gusto kita" ay nanatiling "gusto kita". Tumagal ang usapan. Lumalim ang nararamdaman. Pero ikaw, nanatili kang "gusto kita". Mahal, hindi ba tayo aabot sa "mahal kita"?
Ang "gusto kita" ay naging "gusto naman kita" na madalas ay may kasunod na "pero" at "baka".
"Gusto naman kita pero baka.."
And madilim na kalsada ay mas lalong dumilim, naging masukal at minsan ay kulimlim. Ang mga dating ngiti at pag asa ay napalitan ng kaba at duda. Hindi tayo nakarating sa lugar na sigurado at masaya.
Ang "gusto kita"
Ay natapos say
"gusto lang kita"